Celebrity Life

Kim Rodriguez, umaming nakaranas ng anxiety ngayong pandemic

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 25, 2020 2:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

kim rodriguez


Paano kaya nalabanan ni Kim Rodriguez ang kanyang anxiety habang may pandemic?

Ikinuwento ng Kapuso actress na si Kim Rodriguez na nakaranaas siya ng anxiety noon dahil sa COVID-19 pandemic.

Upang malabanan ang kanyang anxiety, bumili si Kim ng isang aso para maibaling ang kanyang atensyon dito.

Kuwento niya sa GMANetwork.com, “Hindi naman siguro maiiwasan 'yung anxiety, depression, lalo na ngayong pandemic. Siguro lahat ng tao nakakaranan ng ganyan.

“Ako mismo, nakaranas ako ng ganyan talaga. Sobrang nag-o-overthink ako kung ano na mangyayari tomorrow kasi, lalo na ngayon na nadadagdag 'yung cases.

“So, mas lalo akong kinakahaban.”

Dagdag ni Kim, nagpo-focus siya sa kanyang mga alagang aso para mawala ang kanyang stress.

“Ang ginagawa ko na lang, nagpo-focus ako sa ibang bagay, nagpo-focus ako sa aso ko, bumili ako ng bagong dog,” saad ni Kim.

“Kasi 'yung Alaskan Malamute kong isa, malaki na siya, hindi na siya baby-baby, so bumili ako ng isa para doon ako malibang sa kanya."

Bukod dito, sinubukan din daw ni Kim na iwasan ang mga balita.

Aniya, “Tsaka minsan, nagle-less na rin ako manood ng news, pinapabayaan ko na sina mommy ang manood, nakikibalita na lang ako sa kanila.

“Kasi minsan nag-o-over think ako, nahihirapan ako matulog dahil sa mga problema.”

Edgar Allan Guzman, Benjamin Alves discuss overcoming quarantine anxiety

How to cope with work-related stress during the pandemic