GMA Logo matt lozano covid19
Celebrity Life

Matt Lozano, ibinahagi ang pag-disinfect ng kanilang bahay matapos gumaling sa COVID-19

By Maine Aquino
Published September 15, 2020 4:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026 fluvial procession brings the Sto. Niño from Mactan to Cebu
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

matt lozano covid19


Ikinuwento ni Matt Lozano ang ginawa nilang paraan para ma-disinfect ang kanilang bahay pagkatapos niyang gumaling sa COVID-19.

Sa paggaling ni Matt Lozano sa COVID-19 (), pag-sanitize naman ng bahay ang kanyang pinagkaabalahan.

Sa latest YouTube vlog ni Matt, ipinasilip niya ang pag-disinfect ng isang team sa kanilang bahay, pati na rin sa kanyang online food business na Lozano's Kitchen.

Ayon kay Matt, nag-hire sila ng isang team para masiguradong maayos na madi-disinfect ang kanilang bahay. Ito rin ay upang masimulan na muli ang kanilang negosyo.

Today I will share some of the footage ng pag-disinfect ng bahay namin," sabi ni Matt.

"We hired a close friend of my dad who happens to have a disinfecting services.

We called him kasi nga gusto naming ma-disinfect 'yung buong bahay namin para naman makapag-resume na kami at makapagluto na ulit sa Lozano's Kitchen."

Ayon sa video na-disinfect ang lahat ng bahagi ng kanilang bahay pati na rin ang kanyang studio at ang food preparation area ng kanilang negosyo.

Nito lamang August nang inilahad ni Matt ang kanyang COVID-19 story.

Bukod sa kanya, nag-positibo rin ang kanyang ama, ina, kapatid, at lola.

Give Me 5: Matt Lozano's top 5 dishes from his food business

Matt Lozano, masaya na nakabalik siya ng showbiz