GMA Logo Maricris Garcia
Celebrity Life

Maricris Garcia, ibinahagi ang takot sa pagbubuntis sa gitna ng pandemic

By Maine Aquino
Published September 30, 2020 11:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Maricris Garcia


Inamin ni Maricris Garcia ang kanyang takot sa pagiging first time mom sa gitna ng pandemic.

Ikinuwento ni Maricris Garcia ang kanyang takot na nararamdaman bilang isang first time mom ngayong may COVID-19 pandemic.

Inamin ito ni Maricris sa ginanap na online interview kasama ang iba't ibang miyembro ng press last September 24.

Ayon kay Maricris, "Unang-una itong pandemic, itong COVID. Siyempre 'di ba, first time moms kami at kasabay nun ay first time din na nangyari sa atin ito. Lahat walang idea kung ano ang gagawin, kung paano."

Maricris Garcia
Source: @maricrisgarcia_cruz

Dagdag pa ni Maricris na dahil sa kanyang takot ay naging doble ang kanyang pag-iingat para masiguro ang kaligtasan nila ng kanyang baby.

"'Yung pag-iingat sobra-sobra. Minsan akala mo ang ingat mo na pero hindi pa rin, kulang pa rin."

Iniisip din ni Maricris ang mangyayari kapag natapos na ang pandemic at kung ano ang magiging epekto nito sa kanyang anak.

"Iniisip ko kailan kaya unang lalabas yung anak ko, baka mamaya ma-shock siya, first time niya makakita ng ibang tao 'di ba? Kasi hindi natin alam kung kailan matatapos ito e, so 'yun sana soon."

Inihayag din ni Maricris na siya ay umaasa na magiging okay na ang lahat paglabas ng kanyang first baby.

"Sana by the time na paglabas na due niya, because I am due on January, mga second week of January. Sana by that time medyo okay na."

Nitong September 26, nag-celebrate si Maricris ng kanyang birthday at ibinahagi niyang ipinagbubuntis niya ay isang baby girl.

RECIPE: Avocado Corn Salad ala Maricris Garcia

Pregnant Maricris Garcia is blooming at 23 weeks!