
Ibinahagi ni Aiai Delas Alas na nakatanggap na siya ng kaniyang unang dose ng COVID-19 vaccine.
Isa na si Aiai sa mga personalidad na ibinahagi ang ginawang pagbakuna kontra COVID-19.
Nitong May 29 (Manila time) ay ibinahagi ni Aiai na siya ay nasa Amerika na kasama ang kaniyang asawa na si Gerald Sibayan.
Photo source: msaiaidelasalas
“Nasa L.A. na kami ni bakla (Gerald). Ito na, buhay America. Hintay-hintay lang ng mga sundo whatever. Thank you Lord safe flight at saka safe landing.”
Pagkatapos ng kaniyang update na siya ay nasa Amerika na, ibinahagi naman ni Aiai na nakakuha na siya ng unang dose ng vaccine.
Ayon sa Kapuso star, pinili niyang hindi tingnan ang proseso ng pagbabakuna dahil sa takot pero nilinaw niyang wala siyang naramdaman.
"1st dose-- hindi tumitingin haha kaloka -- shokot wala naman pala wala akong naramdaman hehe ... tnx LORD may 1st dose na kami ni darl .. #covidvaccine #1stdosepfizer"
Ayon sa aktres ay Pfizer ang kaniyang natanggap na bakuna.
Bago pa man siya tumungo sa Amerika ay naiulat na plano talaga ni Aiai na magpabakuna sa Amerika at para bisitahin na rin ang kaniyang anak na si Sean Nicolo.
Kilalanin ang iba pang mga personalidad na nakatanggap na ng COVID-19 vaccine sa gallery na ito: