
Maraming napasaya si Kakai Bautista matapos niyang ibahagi sa social media ang kanyang video habang binabakunahan.
"Ay, ayan na ba?!"
Sa video, makikitang nanginginig sa kaba si Kakai at hawak-hawak pa ni First Yaya co-star Sanya Lopez ang kanyang dalawang kamay.
Si Sanya raw ang kanyang moral support simula pa noong unang dose niya.
Sinigurado naman siya ng aktres na hindi na raw masakit ang pagturok sa pagkakataong ito.
Dinaan na lang sa biro ni Kakai ang kanyang nerbyos at agad-agad bumanat ng "Wala na akong nararamdaman talaga, eme."
Umani ito ng tawa mula sa mga kasama nilang health workers sa video.
Hirit pa niya, "Ihi na lang ang nagpapakilig sa'kin."
Pagkatapos maturukan ng vaccine, binirong muli ni Kakai ang health worker at sinabing "Mas nanginginig ka nga sa'kin eh.
"Kuya, marami akong ipon."
Sa kasalukuyan, may 265,000 views ang video ni Kakai.
Dinagsa rin ang komedyante ng comments mula sa kanyang mga kaibigan sa industriya tulad nina Chynna Ortaleza, Ashley Rivera, at Eugene Domingo.
Nakumpleto na nina Kakai at Sanya ang kanilang dalawang dose ng COVID-19 vaccine.
Nagpaabot din ang komedyante ng pasasalamat sa lahat ng frontliners sa kanyang caption.
"Fully vaccinated! Thank you, Lord.
"Thank you to all our frontliners! Thank you for your patience and service,
"Mabuhay kayo!"
Tingnan ang iba pang celebrities at personalities na nakapagpabakuna na laban sa COVID-19: