Celebrity Life

Basic hair care tips after contracting COVID-19

By EJ Chua

Sa isang panayam sa Unang Hirit, ipinaliwanag ng dermatologist na si Dr. Winlove Mojica na posibleng makaranas ng hair loss ang isang tao na tinamaan ng coronavirus.

Aniya, “Puwedeng malagas ang buhok after COVID-19 infection. Hindi ito dahil doon sa virus, pero dahil ito sa nararanasan na stress ng katawan [at] tinatawag natin itong telogen effluvium. Yung paglalagas ng buhok dahil sa stress tulad ng pagkakasakit, panganganak o minsan ay pag-opera, napapansin 'yan three to four months after mangyari 'yung stress.”

Ayon pa sa dermatologist, mayroong life cycle ang paglalagas ng buhok ng isang indibidwal.

“Iyong buhok natin, may life cycle 'yan. May baby, may adult, tapos may lolo and lola. Kapag naka-experience ng matinding stress ang katawan mapa-fast forward 'yung cycle sa lolo and lola stage. Then, three to four months later sabay sabay mahuhulog 'yung buhok na 'yan. Ganun 'yung mae-experience ng mga taong nagkaroon ng COVID-19.”

Dagdag pa niya, “Usually nagi-improve 'yan three to six months after malagas ng buhok. Pero, 'yung ibang mga tao hindi na bumabalik 'yung dating kapal ng buhok. Pero puwede ring bumalik, individual reaction. Hindi natin masabi kung dadami ba siya ulit or manipis na siya forever."

"'Yung paglalagas ng buhok hindi siya actually nararanasan during the time may infection ng COVID-19. Three to six months after. Kunwari gumaling na ako ngayon, bibilang ka ng mga tatlo hanggang anim na buwan bago mo maranasan 'yung paglalagas ng buhok. Hindi naman 'yan automatic na nalalagas 'yung buhok. Kapag nag-start malagas ang buhok mo usually nagi-improve din yata after malagas."

"Usually, we are allowed to lose 100 strands a day. If you want to be more objective about it, ipinabibilang namin 'yan sa mga pasyente. Dapat lumagpas talaga ng 100 'yung buhok na nawala sa'yo kada araw para masabi natin na hindi 'yan normal hair shedding.”

Narito ang ilang basic tips para maiwasan ang paglalagas ng buhok:

1. Kumain ng maayos
Kumain ng masusustansyang pagkain tulad ng mga prutas at gulay para maingatan ang buhok.

2. Protina
Kailangang kumain ng mga pagkaing may protein tulad ng hard-boiled eggs, avocado, broccoli, at whole grain bread.

3. Tubig
Mahalagang uminom ng walong baso ng tubig upang mapanatiling healthy ang buhok at iba pang parte ng katawan.

4. Magpahinga
Mag-relax at ugaliing maglaan ng sapat na oras sa pagpapahinga.

Take care and love your hair at all times.

For more lifestyle content, head out to GMA's Lifestyle page.

Tingnan ang mga celebrities na nag-positibo sa COVID-19: