GMA Logo Meryll Soriano
Celebrity Life

Meryll Soriano talks about mental health and self-love

By Maine Aquino
Published November 26, 2021 7:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Meryll Soriano


Ibinahagi ni Meryll Soriano ang kaniyang kaalaman sa mental health, self-love, at ang kaniyang experience bilang diagnosed with bipolar disorder.

Ikinuwento ni Meryll Soriano sa kaniyang vlog ang kaniyang nalalaman tungkol sa mental health, self-love, pati na rin ang kaniyang bipolar disorder.

Sa series na "Dear Mama Meme," nagtanong ang isang follower ni Meryll tungkol sa signs at symptoms ng isang taong may bipolar disorder.

Ayon kay Meryll, 14 years ago siya nang na-diagnose ng bipolar disorder.

"I've been very open about my condition. I've been diagnosed with bipolar disorder condition 14 years ago pa. That is why mental health is very very important and close to my heart," saad ni Meryll.

Photo source: YouTube: Meryll Soriano

Ibinahagi ng celebrity mom ang ibig sabihin ng bipolar disorder.

"Bipolar disorder, also known as manic depression, is a mental health condition that causes extreme shifts in moods that alternate between highs (mania), lows (depression)."

Ayon kay Meryll isa sa kaniyang napagdaanan dahil sa kaniyang bipolar disorder ay ayaw bumangon at ang pagdagdag ng kaniyang timbang.

Saad ni Meryll, "It is a problem of mine pagka nandoon ako sa depressive side. Ayokong bumangon, gustong kumain ng kumain. Wala akong energy sa life, wala akong gustong gawin, gusto ko magtago lang sa lungga ko and stay there for a couple of days until mawala siya. Hinihintay ko lang siyang mawala."

May ilan rin siyang ibinahagi na signs para malaman kung ang isang tao ba ay may bipolar disorder. Isa sa mga ito ay ang personal na pinagdaanan ni Meryll.

Kuwento ni Meryll, "Kung 'di pa ninyo nalalaman, I've been open about it also, mag 15 years na akong sober. Before I was diagnosed with bipolar disorder, kakatapos ko lang mag-drugs.

Dugtong pa niya, "I was a drug user during my younger years. And 'yun nga when I got pregnant which is very good, hindi na ako nagda-drugs."

Payo ni Meryll ay humingi ng tulong kapag nakakaramdam na may pinagdaanan sa mental health.

"Puwede kayong mag-seek ng help. Kung meron kayong mga loved ones na sa tingin niyo nakaka-experience ng ganito, puwede ninyong kausapin."

"Kung kayo mismo ay nakaka-experience ng mga ganitong signs and symptoms, seek medical help."

Ayon pa sa aktres, mabuting makahingi ng professional help para matutukan ang mental health ng isang tao.

"I think it's good to know, to know really from a medical point of view na meron ka nga."

Isa pa sa ibinahagi ni Meryl sa vlog ay masakit para sa kaniya kapag may mga taong nagki-claim ng mental health problems na wala naman talagang diagnosis dahil alam niya ang hirap nito.

"Right now, maraming mga tao nagsasabi na 'Nako bipolar ako, nako meron akong depression...' You know, it's very difficult to hear that na sinasabi ng taong wala naman talagang ganon kasi hindi naman na-diagnose."

Pagpapatuloy niya, "It's painful for us 'yung diagnosed to hear that sa ibang tao, kasi it's very difficult. Fourteen years kong na-experience 'yung medically diagnosed ha. Siyempre noong mga bagets ako, meron na 'yan."

Payo ni Meryll sa kaniyang viewers ay maaari namang magpa-consult sa isang doktor lalo na ngayong marami ang nakakaramdam ng stress dahil sa pandemic.

"Kahit naman wala kayo e, puwede naman kayong mag-consult ng health. Baka mamaya sa pandemic, marami kayong stress, marami kayong pinagdadaanan na, kahit wala po kayong mental health problem, talking to a therapist, talking to a doctor, talking to a psychologist, it really helps."

Sa huli ay pinaalalahanan niya ang mga nanonood huwag kakalimutan na alagaan ang sarili.

"I'm reminding everybody to be kind to yourself and take care of your whole wellness being. Importante 'yan, love yourself first."

Samantala, kilalanin ang mga artistang nagbahagi ng depression, anxiety, at iba pang mental health issues dito: