
May paalalang hatid ang former Las Hermanas star Yasmien Kurdi sa mga magulang, matapos niyang makumpira na nagpositibo siya sa COVID-19.
Sa post ng magaling na aktres sa Instagram Story, ipinasilip niya sa kanyang followers ang resulta ng kanyang RNA-PCR test. Sa kasamaang palad, nag-positibo rin ang kanilang anak ni Rey Soldevilla na si Ayesha Zara.
Nangyari na ang pinangangambahan ni Yasmien nang magpa-interview sa entertainment press noong May 2020. Ibinahagi kasi ng StarStruck first princess ang “greatest fear” niya ngayong may pandemya.
Saad ni Yas noon, “Siyempre ang fear ko bilang isang ina is 'yung magkasakit 'yung anak ko. So 'yun 'yung pinaka-ayaw ko mangyari. Ayokong magkasakit kahit sinong miyembro ng pamilya ko. Talagang pino-protektahan ko 'yung anak ko, when it comes to that.”
Sa isa naman niyang Instagram post, nag-post ito ng family photo at may kaakibat na mensahe sa mga pamilyang dumadaan ngayon sa matinding pagsubok.
Post ni Yasmien, “Have a blessed Sunday Stay healthy Mommies, Daddies and kids! God bless po! #Labanlang.”
Ilan sa mga Kapuso celebrities na tinamaan ng COVID-19 kamakailan ay sina "Chika Minute" host Iya Villania-Arellano, GMA News pillar Arnold Clavio, at Pepito Manaloto star Pokwang.