
Isa si Michelle Madrigal sa mga personalidad na tinamaan ng COVID-19 ngayong 2022.
Ayon kay Michelle, nagpapagaling na siya ngayon sa Austin, Texas. Ibinahagi rin niyang naka-home quarantine siya habang nilalabanan ang COVID-19 sa Amerika.
Photo source: @mitch_madrigal
Sa isang Instagram post ay nagbahagi ng dance video ang dating aktres para ipakita kung paano siya nag-celebrate dahil sa bumubuti na ang kaniyang pakiramdam.
"Celebrating because I feel much better today from Covid," saad ni Michelle.
Dugtong pa ni Michelle, ginawa niya ito para i-entertain ang kaniyang sarili habang naka-home quarantine.
"And also entertaining myself (quarantine thangs) before working from this sacred room. Enjoy life! Dance more," aniya.
Bago pa man i-post ni Michelle na siya ay tinamaan ng COVID-19 ay ibinahagi niya ilang araw lamang ang nakakaraan na naghahanda na siyang magbalik sa kaniyang fitness routine ngayong taon.
Saad ng dating aktres, "Getting back into my routine… July 2021, I was in the best shape of my life. This year I want to top that by being stronger physically & mentally. I got a few races coming up."
Kilalanin ang iba pang mga personalidad na tinamaan ng COVID-19 ngayong 2022 sa gallery na ito: