
Ibinahagi ni Luane Dy ang kahalagahan ng pagdadasal nang siya ay magpositibo sa COVID-19.
Ibinahagi ni Luane sa isang interview na siya ay nagpositibo sa COVID-19 nito lamang January 2022. Kasama niya sa mga nagpositibo ang asawang si Carlo Gonzalez at anak nilang si Christiano.
Ayon kay Luane, natutunan niya na kahit sobra silang maingat para hindi sila mahawaan ng COVID-19, nagpositibo pa rin ang kanilang pamilya.
Photo source: @luziady
Saad ng Kapuso host, "Kahit gaano ka kaingat, meron at meron. Talagang kapag magkakaroon ka, magkakaroon ka."
Inamin rin ni Luane na ang sobrang pag-iingat nila ay para sa ikakabuti ng kalusugan ng kanilang anak na si Christiano. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay si Christiano pa ang unang tinamaan ng virus.
"Hindi mo alam kung paano nila lalabanan kung sakaling magkaroon sila, kung paano lalabanan ng katawan nila. Sobrang ingat na kami kaya hindi kami lumalabas, nagkukulong lang talaga kami sa bahay pero may nakapasok pa rin."
Dugtong ni Luane, "Yung baby 'yung unang nakakuha pero parang mabilis lang sa kanya. Parang 24 hours, after 24 hours okay na siya."
Sa nangyaring ito sa kanilang pamilya, sinabi ni Luane na ang pagdadasal ang nagpalakas ng kanilang loob na labanan ang COVID-19.
"Hindi talaga kami lumalabas so hindi namin alam paano nangyari 'yun. Talagang ipagdarasal mo na lang."
Ayon sa interview ni Luane, sila ay magaling na nang ipagdiwang niya ang kanyang birthday noong January 25.
Samantala, tingnan ang family photos nina Luane, Carlo, at Christiano sa gallery na ito: