
Sino ang mag-aakala na dumaan sa matinding pagsubok ang Sparkle leading man na si Kelvin Miranda dalawang taon na ang nakararaan.
Sa ulat ng 24 Oras ngayong Martes (July 12), ibinahagi ni Kelvin na na-diagnosed siya na may bi-polar one disorder at post-traumatic stress disorder (PTSD) with ADHD noong 2020 sa kasagsagan pa mismo ng COVID-19 pandemic.
Kuwento ng Kapuso actor sa "Chika Minute," “Hindi ko po siya kaagad na kinonsulta. Parang tina-try ko po siya i-manage sa sarili kong paraan. Hanapin pa 'yung reason, kung bakit nagkakaganun.”
Sa tulong ng mga eksperto, mas naging bukas siya sa kaniyang kalagayan, lalo na sa kaniyang pamilya na gumagabay sa kaniya.
Ani Kelvin, “Tinaggap naman nila ng buo at sinusuportahan nila ako. Mas ginagabayan nila ako ngayon sa mga ginagawa [ko].”
Payo naman ng aktor sa mga tulad niya na may kaparehong sitwasyon, “Humanap lang kayo ng mga taong mapagkakatiwalaan at mga tamang suporta para sa inyong pinagdadaanan.”
Sunod-sunod naman ang blessing ang tinatanggap ni Kelvin ngayon, malapit na rin siya mapapanood sa upcoming serye na pagbibidahan nila ni Kate Valdez at may pelikula siya na kasama ang Kapuso-prized talent na si Beauty Gonzalez.
Bida rin ang Sparkle talent sa GTV sitcom na Tols.
MEET OTHER CELEBRITIES WHO OPENED UP ABOUT THEIR MENTAL HEALTH ISSUE: