GMA Logo Yasmien Kurdi
Courtesy: yasmien_kurdi (IG)
Celebrity Life

'Start-Up PH' actress na si Yasmien Kurdi, inaming nakaranas noon ng postpartum depression

By EJ Chua
Published December 17, 2022 11:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Yasmien Kurdi


Yasmien Kurdi, nagkuwento tungkol sa kaniyang past experiences bilang first time mom.

Ang Start-Up PH actress na si Yasmien Kurdi ay mayroong isang anak sa kaniyang asawa na si Rey Soldevilla.

Kabilang ang kaniyang pamilya sa celebrity families na sinusubaybayan ngayon ng mga Kapuso.

Sa podcast na “Updated with Nelson Canlas,” inamin ni Yasmien na nakaranas siya noon ng postpartum depression.

Ito ay matapos niyang isilang ang kaniyang anak na si Ayesha Zara.

Sa edad na dalawampu't tatlo, isinilang ng aktres si Ayesha noong November 22, 2012.

Kuwento ng StarStruck alumna, “I think 'yong postpartum depression nagkaroon ako nun. Totoo siya. Akala ko dati… hindi ko mararanasan 'yung ganu'n. Pero nu'ng nandoon na ako naranasan ko siya. Tinitingnan ko sarili ko sa salamin.”

“I felt na parang sobrang parang feeling ko 'yung skin ko bakit ganito. Bakit parang hindi bumalik ang lahat sa dati, after giving birth parang hindi lahat, hindi ako naging ako… naging iba na ako,” dagdag pa niya.

Matapos ibahagi ang mga naging karanasan niya noon, nag-iwan naman ng payo si Yasmien sa mga makakapakinig sa kaniyang pahayag.

Payo ng aktres “Importante talaga when it comes to 'yung postpartum depression is 'yung family support. Kasi number one yan family support and 'yung prayers. Kasi kailangan mo 'yun e, 'yung love nila. 'Yung push nila sa'yo na kaya mo 'yan, ganu'n.”

Kasalukuyang napapanood ngayon si Yasmien sa Start-Up PH bilang si Ina Diaz.

Kasama niya sa serye bilang lead stars sina Alden Richards, Bea Alonzo, at Jeric Gonzales.

Pakinggan ang naging panayam ni Nelson Canlas kay Yasmien Kurdi sa link na ito:

Patuloy na subaybayan si Yasmien sa mga huling tagpo sa Start-Up PH at sa mga susunod pa niyang proyekto bilang isang Kapuso.

Mapapanood ang Start-Up PH mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.

Ipinapalabas din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.

Maaari ring balikan ang iba episodes ng Start-Up PH dito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG CHIC LOOKS NI YASMIEN KURDI SA GALLERY SA IBABA: