GMA Logo Angelica Panganiban
PHOTO SOURCE: YouTube: The Homans
Celebrity Life

Angelica Panganiban opens up about her heartbreaking COVID-19 experience in her vlog

By Maine Aquino
Published February 1, 2023 11:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Angelica Panganiban


Ibinahagi ni Angelica Panganiban kung paano niya hinarap ang COVID-19 bilang isang new mom.

Emosyonal si Angelica Panganiban nang kanyang ibahagi kung paano niya hinarap ang COVID-19.

Inamin ni Angelica sa kanyang latest vlog na siya ay nagpositibo sa COVID-19. At dahil mayroon siyang newborn child na si Amila Sabine Homan ay kailangan niyang mag-isolate para masigurong ligtas siya sa nakakahawang sakit.

Angelica Panganiban

PHOTO SOURCE: YouTube: The Homans

Ang nag-alaga kay Amila habang nagpapagaling si Angelica ay ang partner at fiance niyang si Gregg Homan.

Saad ni Angelica sa kanyang YouTube video, "Hi everyone, I filmed this video during my 5 days battling Covid19. And I just want to share my journey, hopes and all my realizations as well."

Pinaalalahanan rin ni Angelica ang mga manonood na manatiling maging maingat pa rin laban sa COVID-19.

"This is also a reminder to everyone that the virus is still there and we need to take all the precautions. So yeah, hope you guys learn something from this video."

Pagkatapos ng ilang araw na pagtitiis ni Angelica na hindi mahawakan si Amila at fiance na si Gregg ay masaya niyang ipinakita kung ano ang kanyang ginawa nang mag-negative na ang kanyang COVID-19 test result.

Saad pa ng aktres habang bini-breastfeed ang anak, "Ang sarap sa pakiramdam na mahawakan na ulit siya."

Panoorin ang COVID-19 story ni Angelica:

SAMANTALA, SILIPIN ANG CUTE PHOTOS NI BABY AMILA: