
Sulit ang pagod ng Bubble Gang star at vlogger na si Dasuri Choi sa first obstacle course race niya kasama ang fellow Kababol na si Valeen Montenegro. At nananlo pa siya ng 3rd place sa kaniyang age group.
Sa Instagram post ni Dasuri, nagpasalamat siya kay Valeen, na tinawag niyang “Spartang Ina,” sa pag-guide sa kaniya sa mismong race.
Ang Spartang Ina ay naging tawag na kay Valeen dahil sa hilig niyang sumali sa iba't ibang klase ng race. Ito ay hango sa sketch ng Bubble Gang na "Balitang Ina," kung saan tampok si Valeen at BFF niyang si Chariz Solomon.
Sabi ni Dasuri sa caption, “First time to join and I got 3rd place in my age group out of 44people!!
“Special thanks to @valeentawak for pushing and guiding me all throughout SPARTANG INA KA TALAGA hahaha
“Good job tayo @rielmanuel oppa for our first spartan race without injury.”
Source: dasurichoi_ (IG)
Ang tinutukoy na Riel Manuel ni Dasuri ay ang fiancé ni Valeen.
TINGNAN ANG ILAN SA VIRAL MEMES TUNGKOL SA BALITANG INA: