
Sinubukan ni Gabby Concepcion ang isang role na matagal na niyang gawin. Ito ay ang pagiging barista sa isang coffee shop.
Sa kaniyang YouTube channel, ipinakita niya ang kaniyang experience bilang isang barista.
Paglilinaw ng Stolen Life actor, hindi siya isang professional.
"I am not a professional, I am here to learn."
Diin pa ni Gabby, matagal na niya gustong subukan na maging barista.
PHOTO SOURCE: YouTube: Gabby Concepcion
"Matagal ko na gustong maging barista. Mahilig ako sa coffee e."
Ibinahagi pa ng Kapuso actor ang mga klase ng kape na ihahanda para sa customers.
"Gagawin natin ang favorites ninyo, itinanong ko na kanina kung ano ang pinakapaborito ng mga tao at ito ay ang cappucino at latte."
Dumaan si Gabby sa isang training para aralin ang paghahanda ng kape at pagsi-serve sa customers.
Panoorin ang experience ni Gabby bilang barista dito:
Abangan pagganap ni Gabby sa karakter na Darius sa Stolen Life ngayong July sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA LARAWAN NG BATANGAS BEACH HOUSE NI GABBY: