
Bukod sa patuloy na pagiging trending ng Abot-Kamay Na Pangarap, nagba-viral din sa social media ang lead star ng serye na si Jillian Ward.
Hindi nagpahuli si Jillian sa nauuso ngayon na "Bat malungkot ang beshy ko'?" meme na nagmula sa GMA's Magpakailanman episode na "Baklash: The Viral Princesses of Navotas."
Sa TikTok account ng Sparkle star, mapapanood ang isang short video kung saan game na game na ipinakita ni Jillian ang kanyang simple pero makulit na dance moves.
Ang entry ng teen actress ay patok na patok ngayon sa naturang video-sharing application.
Sa katunayan nga, sa kasalukuyan ay humakot na ito ng 11 million views, 820,000 likes, at umani pa ito ng libu-libong comments mula sa kanyang fans at followers.
@jillianwxrd bat🤸malungkot🤸ang🤸beshy🤸ko
♬ original sound - Garry Corpuz Domingo
Si Jillian ay napapanood sa GMA's top-rating drama series na Abot-Kamay Na Pangarap bilang si Doc Analyn, ang genius at pinakabatang doktor sa bansa na anak nina Lyneth (Carmina Villarroel) at Doc RJ (Richard Yap).
Bukod sa pagiging mahusay na Kapuso actress, isa rin si Jillian sa most-followed celebrities sa social media.
Sa ngayon ay mayroon na siyang 7.9 million followers sa TikTok at 3.9 million followers sa Instagram.
Patuloy na subaybayan si Doc Analyn sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime. Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
SILIPIN ANG BEACH PHOTOS NI JILLIAN WARD SA GALLERY SA IBABA:
xxxxxxxxxx