
Ipinakita ni Gabby Concepcion ang ilan sa kanyang mga ipinagmamalaking motorcycles at ang road trip niya kasama si Klea Pineda.
Ibinahagi ni Gabby kung saan niya karaniwan ginagamit ang bawat isa at ilan sa mga dapat tandaan kapag magmamaneho ng motor. Ilan sa mga ipinasilip ng Stolen Life actor ay ang Bristol cafe-racer at Bobber 650.
PHOTO SOURCE: YouTube: Gabby Concepcion
Sa kanilang road trip ni Klea ay nakasama rin nila ang girlfriend ng aktres na si Katrice Kierulf. Si Katrice ay kilala sa kanyang hilig sa big bikes and traveling on a motorcycle.
Nagpunta sila sa ilang lugar tulad ng Catandala Bridge, Lobo zigzag, at Twisties Road.
Nagkita rin sina Klea, Katrice, at KC Concepcion dahil sa bumibisita siya sa amang si Gabby.
PHOTO SOURCE: YouTube: Gabby Concepcion
Ang kanilang last stop sa adventure ay ang Amang Lobo Beach House na pagmamay-ari ni Gabby. Dito pinaghandaan ni Gabby ang kanyang mga bisita ng masasarap na pagkain tulad ng seafood, grilled meat, at marami pang iba.
Panoorin ang vlog ng Stolen Life actor dito:
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA LARAWAN MULA SA BEACH HOUSE NI GABBY: