
Pinag-uusapan ngayon ng netizens ang pagiging kuwela ni Dennis Trillo sa kaniyang TikTok videos.
Sa kaniyang mga entry mapapanood na game na game si Dennis sa pagpapatawa sa pamamagitan ng kakaiba niyang mga gimik.
Sa latest video niya sa TikTok, makikitang nakatayo siya sa may kalsada at susubukan niya sanang mag-TikTok nang biglang dumaan ang isang sasakyan.
Nagkunwari siyang nasagaan ng sasakyan habang nagti-TikTok.
Ang pinakabagong video ng Kapuso actor na ito ay mayroon na ngayong 4.3 million views sa naturang video-sharing application.
@dennistrilloph crash kita!😘 #fyp #foryourpage #goodvibesonly ♬ original sound - Dennis
Sa comments section, makikitang napa-react naaliw ang co-celebrity ni Dennis na si Dingdong Dantes.
Isa pang pinusuan ng netizens ay ang entry ni Dennis habang kasama ang kaniyang asawa na si Jennylyn Mercado at ang baby girl nila na si Dylan.
Ang video ay humakot na ng mahigit 16 million views sa TikTok.
@dennistrilloph Pa Kaldag na ko eh!🕺🤦🏻 Jento! @Jen Mercado #fyp #foryourpage #dento @ANTHEM ♬ GENTO - SB19
Matatandaang napanood si Dennis bilang si Ginoong Ibarra sa Maria Clara at Ibarra na ipinalabas sa GMA.
Ngayong taon, mapapanood naman ang aktor sa upcoming show na Love Before Sunrise.