GMA Logo Ashley Sarmiento and Yassi Pressman
Celebrity Life

Yassi Pressman at Ashley Sarmiento, nag-golf date

By Marah Ruiz
Published January 24, 2024 6:53 PM PHT
Updated January 25, 2024 1:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Pride colors on full display in UP Diliman
Joy Barcoma confirms she will not have a final Miss Philippines Earth walk
Bacolod fortifies borders vs ASF

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Sarmiento and Yassi Pressman


Magkasamang nag-golf sina 'Black Rider' co-stars Yassi Pressman at Ashley Sarmiento.

Nakapag-bonding ang co-stars na sina Yassi Pressman at Ashley Sarmiento sa pagitan ng kanilang mga eksena para sa full action series na Black Rider.

Sa isang taping location kung saan may mga pasilidad para sa golf, tinuruan ni Yassi si Ashley ng ilang basic swings ng sport na ito.

"Having fun at taping day today! Thank you for teaching me how to golf, ate @yassipressman ," sulat ni Ashley sa kanyang Instagram account.

Kalakip nito ang isang litrato kung saan may hawak siyang club at may dalawang bola na pasok sa golf hole. May videos din sila ni Yassi habang naglalaro at ilan pang magagandang tanawin sa kanilang location.

A post shared by Ashley Sarmiento (@ashleysarmiento__)


Sumagot naman si Yassi sa comment section ng post ni Ashley.

"I'm happy you enjoyed, baby," sulat niya.

Gumaganap sina Yassi at Ashley sa Black Rider bilang magkapatid na sina Bane at Neneng B.

Sa ika-12 linggo ng serye, naghahanda na si Bane para sumali sa inter-barangay beauty pageant bilang representative ng Brgy. Palangga.

Patuloy namang nagsisikap sa kanyang pag-aaral si Neneng B habang hinaharap ang trauma ng pagdukot sa kanya.


Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Sumama sa biyahe ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.