
Ipinakita ni Pokwang ang kasalukuyang paghahanda niya para sa kaniyang food business.
Sa isang Instagram post, ipinakita ng TiktoClock host na si Pokwang na malapit na magbukas ang kaniyang food business.
PHOTO SOURCE: @itspokwang27
"Malapit na, kaunti na lang," Saad ni Pokwang sa kaniyang video.
Ang food business ni Pokwang ay ang Mamang Pokwang's Gourmet kung saan sumikat ang kaniyang gourmet tuyo, tinapa, laing, at iba pa. Noong nakaraang taon ay inilahad ni Pokwang na plano niyang buksan ang food business ngayong 2024.
Saad niya sa dati niyang post, "Pinapaganda ko po ang commissary kitchen po. Mas malaki mas malawak, mas peaceful, wala na si alam nyo na haahhahaha."
RELATED GALLERY: #GirlBoss: Pinay celebrities and their successful businesses
Sinabi niya rin dito na kasama niya ang anak na si Mae Subong sa pag-manage ng food business.
"Ako at anak ko ang mag manage hindi 'yung tao na pinagkatiwalaan ko pero dinurog ako! 2024 abangan ang muling paghasik ng biyaya."
Sa kaniyang pasilip sa ipinagawang commissary kitchen sinabi niyang, "Magbabalik na muli ang aking Mamang Pokwang's Gourmet."
Ayon pa kay Pokwang ito ay ang dating PokLee food products na kaniyang ni-rebrand, "Kung natatandaan ninyo ito po ang dating PokLee, ibabalik ko na ako na lang. This time ako lang."
Saad pa ni Pokwang, handa na siyang ibangon ang negosyong kaniyang sinimulan.
"Kaunti na lang ibabangon ko ulit yan"
SAMANTALA, BALIKAN ANG SUMMER HOUSE NI POKWANG SA MARIVELES, BATAAN: