Shaira Diaz, sumabak sa isang challenge para makita si Lee Min Ho
Hindi maipagkakaila na isa si Unang Hirit host Shaira Diaz sa celebrities na fan din ng K-Drama o Korean drama. Sinabi niya na isa sa mga pinakagusto niyang ma-meet na star ay si Lee Min Ho at para magawa ito, kinailangan niyang lagpasan ang isang challenge sa tulong ni Edgar Allan Guzman at ng kaniyang pamilya.
Kailan lang ay na-meet ni Shaira ang K-Drama actor na si Song Joong Ki, at sinabing marami na rin siyang nakilalang iba pang aktors mula sa mga event at fan meets.
“Marami na rin akong nakitang mga K-Drama actors, pumupunta ako sa mga fan meeeting nila. Nag aattend talaga ako,” sabi niya.
Dagdag pa niya ay malaking tulong ang ibang events na napupuntahan niya dahil nag-ooffer sila minsan ng tickets para sa fan meets ng mga Korean actors na nag-e-endorse ng kanilang brands.
“May mga tickets po sila na binibigay sa amin kung gusto manuod, ganiyan, parang ang cute kasi ang dami nga nilang dinadala dito, na mga K-Drama stars. 'Tapos yun po, nagkakaroon na po ng opportunity na ma-meet sila makita sila in person,” sabi niya
Pero ayon kay Shaira, hindi biro ang pinagdaanan niya para makilala si Lee Min Ho at sinabing kinailangan niyang pumunta sa isang restaurant at kumain ng 60 chickens sa loob lang ng isang araw para lang makakuha ng ticket.
“Tinawag ko yung mga kapatid ko, si Edgar, tapos para lang magkaroon ng ticket para kumain kami ng 60 na manok. Hahaha. Tapso ayun talagang pumila po talaga kami,” sabi niya.
BALIKAN ANG FANGIRL MOMENTS NI SHAIRA PARA SA MGA KOREAN ACTORS SA GALLERY NA ITO:
Malaking tulong umano na mahilig si Shaira, ang mga kapatid niya, at si EA sa manok kaya sa huli ay nakuha pa rin nila ang ticket.
Kung tatanungin naman siya kung sino ang pinakagusto niyang ma-meet na Korean star, ang sagot si Shaira, “Si Jungkook talaga yung BTS. Sobrang fan po.”
Pag-amin pa ni Shaira ay marami din siyang merchandise ng BTS, kasama na ang standee ng paboritong member ng K-Pop band.
Pakinggan ang buong interview ni Shaira dito: