Celebrity Life

Jennylyn Mercado, nagka-minor accident sa motorsiklo

By Hazel Jane Cruz
Published March 30, 2024 2:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Israel bans mobile phones in primary schools
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

jennylyn mercado


Jennylyn Mercado sa kanIyang minor motorcycle accident kamakailan, 'I'm very thankful na walang major na nangyari sa'kin.'

Enjoy ang mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa pagmomotorsiklo na bagong hobby ng aktres.

Bukod sa pastime nila itong dalawa, nababantayan nila ang isa't-isa tuwing nasa daan.

Buti na lang ay magkasama silang nag-ride nang magkaroon ng minor accident si Jen noong nakaraang weekend matapos ma-out of balance dahil sa madulas na daan.

Kuwento ni Dennis sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Lunes, March 25, "Kitang-kita ko nasa harapan ko kasi s'ya, tinitingnan ko s'ya habang nangyari 'yon. So ayun nakakabigla dahil first time namin maaksidente sa kalsada talaga."

Paalala nila sa kanilang kapwa riders, laging mag-ingat at magsuot ng protective gears.

Ani Jennylyn, "Alam mo 'yung ulo ko tumama sa floor pero safe pa rin ako dahil naka-helmet ako, naka-gears ako. Complete 'yung gear ko, protected 'yung buong katawan ko, so I'm very thankful na walang major na nangyari sa 'kin."

Panoorin ang buong ulat sa video sa itaas.

Samantala, bibda sina Jennylyn at Dennis sa upcoming movie na Everything About My Wife, na local adaptation ng 2008 Argentine rom com film na may pamagat na Un novio para mi mujer (A Boyfriend for My Wife).

Nagkaroon din ito ng South Korean version noong 2012.