
Magkasosyo na ang dating aktres na si Neri Naig-Miranda at ng It's Showtime host na si Vice Ganda sa bagong business venture ng comedienne na isang comedy club.
Inanunsyo ni Neri ang kanilang partnership sa Instagram kung saan ibinida rin niya ang pagiging fan niya kay Vice. Kuwento ni Neri, lagi niyang pinapanood ang mga show ng Unkabogable Star online, maging ang bardagulan nito sa mga co-hosts sa noontime show na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, at Jhong Hilario.
“Humahagikgik ako bago ako matulog, tinatanong ng asawa ko kung napapano na ako ” caption niya sa kaniyang post.
“Kaya nung tinanong ako ni Chito [Miranda] kung gusto ko ba raw maki-partner sa Vice Comedy Bar, sabi ko talaga, 'Game ako dyaaaaaaaaaaaan! Para maging close kami ni Vice!!!!' ” pagpapatuloy niya.
BALIKAN ANG MARAMING NEGOSYO NI NERI SA GALLERY NA ITO:
Kuwento pa ni Neri ay noong nagpunta sila sa soft opening ng comedy club ay binubulungan niya ang asawa at Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda na magpapa-picture siya sa comedienne.
“Sobrang nag-enjoy kami kagabi! Naubos ko yung isang platong sinoteng na baby squid! Sobrang saraaaaap!
Kagabi, July 2, ang soft opening ng bagong negosyo ni Vice na "Vice Comedy Club" na inanunsyo naman ni Vice sa kaniyang Instagram page.
“Eggggzoited for the soft opening of VICE COMEDY CLUB chunyt!!! Hope to see [you]. GV (goodvibes) GV lang! @vicecomedyclub” caption niya.
Kilala si Neri bilang Wais na Misis dahil sa dami ng business ventures na pinasukan niya. Mula sa kaniyang gourmet tuyo business, sa rest house, hanggang sa pakikisosyo kay Chito para sa kanilang restaurant.