
Isang panibagong dance video ang hatid ng nag-iisang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at kasama pa niya rito ang isa sa kanyang co-stars sa pelikulang Balota.
Ipinamalas ng award-winning actress ang kanyang dance moves nang sayawin ang "Lambada" habang suot ang all-black outfit. Nang umikot si Marian, biglang ang social media star na si Sassa Gurl na ang sumasayaw at suot ang outfit na katulad sa aktres.
Nang umikot naman si Sassa Gurl ay bumalik muli si Marian sa kanyang pagsasayaw habang ang content creator ay makikitang kasama na nito.
"Mother, parang balato mo na sa akin 'to," ani Sassa Gurl.
Tanong ni Marian, "Sure ka ba?"
"Yes, mother, sure na sure," sagot ng social media star. Kinuha pa ni Sassa Gurl ang isang yellow ballot box para kay Marian at sinabi, "At dahil diyan, Teacher Emmy, magbilang ka muna ng boto."
@marianrivera Lambadang di mo inaakala! 🤣 #Balota ♬ original sound - Marian Rivera
Sulat naman ng Cinemalaya 2024 Best Actress sa caption, "Lambadang di mo inaakala!"
Kasalukuyang mayroong mahigit three million views ang "Lambada" dance video nina Marian at Sassa Gurl at maraming netizens ang naaliw sa dalawa.
Samantala, mapapanood na ang Balota in cinemas nationwide ngayong October 16.
SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGANAP NA PREMIERE NIGHT NG BALOTA SA GALLERY NA ITO.