
Aminadong bilib si Benjie Paras sa pagiging madiskarte at maabilidad ng karamihan sa mga negosyanteng Pinoy, lalung lalo na yung mga may-ari ng MSMEs (Micro-, Small and Medium-sized Enterprises), kasama na riyan ang sari-sari store owners.
Para sa aktor, host, at retired professional basketball player, malaking bagay na marunong ang isang negosyante kung paano magkaroon at mag-manage ng "multiple income streams" o ang pagkakaroon ng iba't ibang sources ng pinagkakakitaan. Sa dami at bigat ng mga hamon sa buhay ng tao ngayon, mas nagwawagi talaga ang mga maabilidad o resourceful pagdating sa paghahanap ng pera.
Masayang nakasalamuha ng mag-aamang Benjie, Andre at Kobe Paras ang Palawan Group of Companies officers pati na rin ang mga dumalo sa Ultra Mega Expo na ginanap sa Okada Manila kamakailan.
Kaya naman swak na swak para kay Benjie Paras ang pagiging celebrity ambassador ng PalawanPay, ang sikat na one-stop shop na mobile wallet app para sa piling online financial transactions, mula sa grupo na bumubuo ng Palawan Pawnshop.
Kamakailan, nakahalubilo ng ilang Pinoy MSME owners si Benjie Paras pati na rin ang kanyang mga anak na sina Andre at Kobe Paras sa Ultra Mega Expo sa Okada Manila. Bukod sa games at raffle, nakapagbahagi rin sa naturang event si Benjie Paras ng ilang diskarte tips kung papaano pa kikita ang sari-sari store owners. Nagsilbi rin kasi ang nasabing expo bilang launch ng PalawanPay Money Shop, ang bagong feature ng PalawanPay App na nagbibigay ng oportunidad sa store owners na maging isang authorized "outlet" kung saan pupuwede mag-cash-in, cash-out, bills payment, at mobile e-loading ang publiko.
Para kay Benjie Paras, malaking tulong ito para sa maliliit na negosyanteng Pinoy.
"The PalawanPay Money Shop is an excellent product because it not only provides additional income to small sari-sari stores and local businesses but also serves as an access point to make financial transactions more convenient, especially in areas where banks are far away. Andre, Kobe, and I are very happy to be part of this initiative and to connect with the 'sukis' of PalawanPay and Ultra Mega at the Expo,” ani Benjie.
(Kaliwang larawan) Benjie Paras kasama ang kanyang mga anak na sina Andre at Kobe Paras; (Kanang larawan) John Paulo Llamera, PalawanPay Brand Manager
Para sa mga interasadong maging parte ng bago nilang programa, mas pinadali na ngayon ang application process sa mismong app (na maaaring ma-i-download mula sa Google Play, Huawei Gallery o Apple App Store) o sa mahigit na 3,500 branches ng PalawanPay.
Masaya naman si John Paulo Llamera, PalawanPay Brand Manager, dahil mahigit 4,000 ang dumalo sa expo, lalo na't marami sa kanila ang bumisita para lang makita si Benji Paras, pati na rin sina Andre at Kobe in person.
“The Ultra Mega Expo was the ideal venue to demonstrate how PalawanPay brings essential financial services closer to communities. Through its services, we enable local businesses to earn more while providing customers with fast, secure, and convenient transactions," ani John Paulo.
RELATED CONTENT: Look at Benjie Paras' lovely family