
Nakasama ni Miguel Tanfelix sa kanyang training ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.
Sa Instagram post niya ngayong Linggo, February 16, ipinakita ng Mga Batang Riles star ang kanyang pag-backflip habang nakatayo, na isang skill sa gymnastics.
Ayon kay Miguel, nahihiya at kinakabahan siya ng gawin niya iyon sa harap mismo ng gymnast Olympian. Gayunpaman, 10 ang ibinigay na score ni Carlos sa aktor.
"[T]raining na may konting pressure. Pang double @olympics gold na ba? Hahahaha… @c_edrielzxs," sulat ni Miguel sa kanyang caption.
Marami naman ang pumuri kay Miguel dahil sa kanyang first attempt sa standing backflip, gaya nina Diana Zubiri at GMA Integrated News entertainment correspondent na si Aubrey Carampel.
Nagbiro pa si Drew Arellano na gusto rin nilang subukan ito ng kanyang asawang si Iya Villano, na kapapanganak lang sa kanilang ikalimang anak.
"Gusto namin sumali ni mrs!!! @iyavillania," komento ng Biyahe Ni Drew host.
Mapapanood si Miguel sa action drama series na Mga Batang Riles weekdays, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream. Mapapanood din ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.