
Maraming fans ang gigil na gigil sa cute na cute na dance video ni Kapuso actress Winwyn Marquez kasama ang anak na si Luna.
Sa kanyang latest Instagram post, ipinakita ni Winwyn ang masayang bonding nilang mag-ina kung saan sumayaw sila sa remixed version ng kantang "La La La."
Kitang-kitang nag-eenjoy si Luna habang sinasabayang sumasayaw ang kanyang ina.
"Hay Luna! Anak nga kita," sulat ni Winwyn sa kanyang post.
Ipinanganak ni Winwyn si Luna noong April 2022. Sa kanyang social media accounts, madalas na ibinabahagi ni Winwyn ang masasayang moments kasama ang anak.
Samantala, kabilang si Winwyn Marquez sa mga kandidata para sa Miss Universe Philippines crown ngayong taon.
Abala rin siya sa pagbabalik-teleserye sa GMA Afternoon Prime series na Mommy Dearest.
TINGNAN ANG TWINNING MOMENTS NINA WINWYN MARQUEZ AT LUNA SA GALLERY NA ITO: