GMA Logo Herlene Budol explosive sausage challenge
Celebrity Life

Herlene Budol, nag-mukbang ng trending na explosive sausage

By Marah Ruiz
Published March 30, 2025 5:04 PM PHT
Updated March 30, 2025 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dizon: I have not authenticated the so-called Cabral files
Over 20,000 passengers logged in NegOcc on holiday rush
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol explosive sausage challenge


Sinubukan ni Herlene Budol ang trending na explosive sausage na sumisirit ang cheese filling kapag kinakagat.

Trending online ang isang uri ng sausage na may lamang melted cheese sa loob. Kapag kinagat kasi ang sausage, sumasabog ito at sumisirit palabas ang laman na keso. Dahil dito, binansagan itong "explosive sausage" online.

Isa si Kapuso beauty queen, actress, and comedienne Herlene Budol sa mga sumubok ng explosive sausage na ito.

Sa isang video sa Instagram, ibinahagi ng Binibining Marikit star ang maikling mukbang video kung saan first time niyang matitikman ang pagkaing ito.

"Ang liit lang pala niya sa personal. 'Yung amoy niya is very good, mukhang amoy masarap," panimula niya sa video.

Sinubukan ding sukatin ni Herlene ang tatlong explosive sausage na nakahain sa kanya.

"Pili tayo ng medyo healthy, medyo malaman," aniya habang pinipisil ang mga ito. "Ito, pinakamaliit lang kaya 'ko," dagdag niya.

Naghanda naman si Herlene ng mga pamunas para hindi siya magkalat.

"Tatalsik ba talaga? Wait lang, mag-ready tayo ng tissue," bahagi ni Herlene matapos ilagay ang tissue sa kanyang cleavage.

Nagulat siya nang sumirit nga palabas ang melted cheese nang kagatin niya ang sausage.

Ang hatol ni Herlene, masarap ang trending food item na ito.

"Para siyang condensada. Sarap. Hindi lang dahil dun sa tumatalsik, masarap din 'yung mismong sausage. Masarap siya," paglalarawan niya dito.

Lubos niyang nagustuhan ang cheese filling at sinimot pa ang mga tumulo sa plato.

"Kailangan ko ng tubig," sambit niya bago kumuha ng pitsel at direktang uminom mula dito.

Bumalik sa Herlene sa mesa at ipinakita kung gaano kalayo ang inabot ng tumatalsik na cheese.

"Grabe ang layo ng talsik!" sabi niya sa dulo ng video.

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Samantala, bumibida si Herlene sa GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit. Ipinakita niya ditong maaasahan din siya sa heavy drama at bahagyang lumihis sa comedic roles na mas kinasanayan niya. Kuwento ito ng babaeng naging biktima ng love scam pero gagawin ang lahat para mabawi ang lahat ng dapat sa kanya.

Tutukan si Herlene Budol sa Binibining Marikit, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Maaaring rin itong panoorin online sa Kapuso Stream.

RELATED CONTENT: Herlene Budol and her love for ternos