
Nagbalik sa ice skating rink ang magkaibigan at figure skaters na sina Ashley Ortega at Skye Chua.
“Just another day at the rink,” Saad ni Ashley sa kaniyang latest Instagram post.
Tampok sa video na ito ang pagpapakita ng figure skating moves ni Ashley at kanilang bonding ni Skye.
PHOTO SOURCE: @ashleyortega / @sparklegmaartistcenter
Dating nagkasama na sina Ashley at Skye sa first Filipino figure skating series na Hearts on Ice. Napanood din sina Ashley at Skye sa primetime series na Pulang Araw.
Ipinakita naman sa account ng Sparkle ang cute moment nina Ashley at Skye sa rink.
"Ashley Ortega and Skye Chua are back at it, sharing the laughs and good vibes on the rink."
Ngayong 2025, napabilang si Ashley sa celebrity housemates ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition. Siya at ang kanyang ka-duo na si AC Bonifacio ang unang housemates na na-evict mula sa Bahay ni Kuya.
Samantala, si Skye Chua naman ay naging representative sa 2025 FISU Winter World University Games sa Turin, Italy.
RELATED CONTENT: BALIKAN ANG SEXIEST LOOKS NI ASHLEY ORTEGA: