
Nakikita na ni primetime action hero Ruru Madrid ang unti-unting progreso niya sa Filipino martial arts.
Matatandaang nagsasanay si Ruru ng Laraw Kali Pamuok sa ilalim ng mismong founder nitong si Ronnie Royce Base.
Sa maikling video na ibinahagi ng aktor sa kanyang social media accounts, batid na ang improvement niya sa iba't ibang stances, moves, ma sipa, at maging knife-handling.
Masisilip din dito ang ilang sparring sessions nila ni Lakan Ronnie.
"You vs You. No excuses. No shortcuts. Just the will to become better than yesterday," sulat ni Ruru sa caption ng kanyang post.
Minsan nang inamin ni Ruru na nahirapan siya sa Laraw Kali Pamuok dahil iba ito sa nakasanayan niyang martial arts tulad ng Muay Thai at boxing.
Gayunpaman, hinarap niya ang hamon at ipinagpatuloy ang kanyang training.
"The challenge is staying humble na bumalik sa umpisa, and not letting frustration get in the way," lahad niya.
SILIPIN ANG TRAINING NI RURU MADRID SA LARAW KALI PAMUOK DITO:
Isa rin daw sa mga pangarap ni Ruru ay ang magturo ng martial arts sa kabataan.
Umaasa siyang magiging paraan ito para maipasa ang mahahalagang values tulad ng disiplina sa susunod na henerasyon.