
Sa panahon ngayon, si Bantay 'di lang pambahay.
At bilang man's best friend, deserve rin nila ang pumasyal at gumala tulad ng kaniyang owner.
Kaya ngayong umaga (May 28) sa Unang Hirit, bumisita si Kapuso hunk Clint Bondad sa isang furbaby-friendly pasyalan sa Quezon City para makipaglaro sa kaniyang beagle na si Maple.
Avialable sa indoor dog park ay isang obstacle course para maensayo ang mga muscles ng ating furbabies.
Ani ni Clint, “So kung gusto niyong mag-workout kasama ang inyong aso, pwede niyong dalhin dito kasi pinagpapawisan na ako e.”
Maliban sa obstacle course, mayroon din ball pit at dog cafe na available para mas maka-bond ng mga aso ang kani-kaniyang pet owners.
Panoorin ito at ang iba pang pawsome furbaby-friendly pasyalan sa video na ito: