
Umabot na ng mahigit 1 million views ang vlog ni Brod Pete at Jeffrey Tam.
Sa isang vlog na inupload noong July 26, ipinakita ni Jeffrey kay Brod Pete ang kaniyang dream luxury car.
Sabi ni Jeffrey, “Ito ang tinatawag na Tesla Model X 2018.”
Dagdag niya, “Itong kotse na 'to, hindi kailangan ng gasoline.”
“Eh paano tatakbo 'yan?” tanong ni Brod Pete.
“Tumatakbo 'yan sa pamamagitan ng electric, i-chacharge mo,” sagot ni Jeffrey.
Ibinahagi isa isa ni Jeffrey ang mga nakamamanghang features ng Tesla Model X 2018.
“In 2.5 seconds kayang umandar ng 100 km/h.”
“Walang tambutso wala namang nilalabas na usok…walang tunog.”
“Meron rin itong tinatawag na auto-pilot kunwari nasa expressway ka, magpa-park siya nang kusa.”
Panoorin ang vlog nina Jeffrey Tam at Brod Pete: