GMA Logo
Celebrity Life

WATCH: Pilipinas, wagi vs Thailand sa Dota 2 finals sa SEA Games

By Dianara Alegre
Published December 10, 2019 5:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Timely Stephen Curry scoring helps Warriors defeat Mavericks
Christmas not the same for all, calamity survivors show

Article Inside Page


Showbiz News



Team Pilipinas, wagi kontra Thailand sa Dota 2 gold medal match!

Nasungkit ng Team Sibol ng Pilipinas ang gold medal sa Dota 2 sa 2019 Southeast Asian Games E-sports, kahapon, Disyembre 9.

LAKAS NG PINOY!!! 👊 Nakamit ng Team Sibol ang pinaka unang Gold Medal sa SEA Games 2019 Esports! CONGRATULATIONS! REIGN SUPREME! 👊 #TeamSibol #SEAGames2019 #30thSEAGames #Philippines #MobileLegends #WeWinAsOne #LakadMatatag

A post shared by RUMBLE ROYALE (@rumbleroyaleph) on

Hindi na nagawang makaligtas ng Team Thailand nang sabay-sabay na umatake ang Team Sibol sa finals match ng e-sport Dota 2 at tuluyan nang nasungkit ng pambato ng Pinas ang kampeonato.

Sa simula ng laban ay dehado ang Pilipinas ngunit dahil sa suporta at sigaw ng Pinoy crowd, sa huli ay nakabawi at naungusan ng grupo ang kalaban.

“Nagtiwala lang kami sa isa't isa na kaya ito ipanalo,” paliwanag ni Jun Canara, isa sa Team Sibol.

Dagdag pa niya, “Of course, the crowd also helped us in achieving the win.”

Sa pagkapanalo ng gintong medalya sa e-sports, umaasa ang Team Sibol na magbibigay-daan ito sa mas malalimang talakayan tungkol sa mga computer games.

Panoorin ang buong ulat ng Unang Balita:

WATCH: SEA Games gold medalist Daniela Regie dela Pisa is a cancer survivor

Gymnast Carlos Yulo admired online for gold-worthy performance at SEA Games and amazing body