
Nagbigay agad ng pahayag ang YesPinoy Foundation patungkol sa pagsusuot ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ng Philippine Marine's uniform.
Sa Instagram post ni Dingdong kamakailan, ibinahagi niya ang ginawa nilang relief operation kasama ang kanyang Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) co-star na si Rocco Nacino, katuwang ang iba't ibang organisasyon upang magpamigay ng agarang tulong sa mga nasalanta sa pagputok ng Bulkang Taal.
Maraming bahagi ng probinsiya ng Batangas ang naapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkan na nagsimula noong January 12.
Sa comment section ng Instagram post ni Dingdong, isang netizen ang nagtanong kung bakit nakasuot ng military uniform ang aktor.
Sumagot ang Instagram page ng YesPinoy Foundation at ibinahagi na Philippine Marine reservist ang aktor simula noong 2009 pa.
Dagdag pa ng foundation na hindi ginagamit na publicity ni Dingdong ang pagsusuot ng Philippine Marine uniform.
Si Dingdong Dantes ang founding chairman ng YesPinoy Foundation.
IN PHOTOS: Dingdong Dantes and Rocco Nacino lead relief operations for Taal victims
LOOK: Taal evacuees choose to bring comic relief with their Bakwit OOTDs