
Isa si Magkaagaw actress Klea Pineda sa mga artistang sumubok ng sport na target shooting.
Sa isang Instagram story, ibinahagi niya ang isang maikling video kung saan makikita siyang nasa isang indoor firing range.
Makikita rin na kumpleto ang kanyang safety gear tulad ng protective goggles at noise-cancelling earmuffs habang binabaril ang kanyang target.
Maliban sa protective gear, naka-leather jacket din si Klea kaya naman kumpletong-kumpleto ang kanyang pagiging badass sa video.
Pagkatapos ng kanyang target shooting practice, nag-post pa ang aktres ng isang selfie kasama ang kanyang target.
Aniya, “First time to try firing, what do you think?”
Hangang-hanga naman ang kanyang nanay-nanayan sa GMA Afternoon Prime show na Magkaagaw na si Sunshine Dizon.
Saad nito sa comments section, “Keep it [up] baby, proud of you @kleapineda”
Kabilang din sa mga pumuri sa young actress ay si Victor Neri na nagbigay ng thumbs up sa comments section.
Subaybayan si Klea kasama sina Sunshine Dizon, Sheryl Cruz, at Jeric Gonzales sa Magkaagaw, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.
'Wag pahuhuli, mga Kapuso! Mapapanood na ang latest episodes ng Magkaagaw sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.
LOOK: Klea Pineda, napa-throwback sa kanyang 'StarStruck' Final Judgement Day
WATCH: Klea Pineda, Patricia Tumulak join Sheryl Cruz's mini dance session