Celebrity Life

Mommy Dionisia, ipinakita ang kanyang bahay sa GenSan

By Jansen Ramos

Nagsagawa ng house tour si Jinkee Pacquiao sa bahay ng kanyang biyenan na si Mommy Dionisia Pacquiao sa General Santos City na mapapanood sa YouTube channel ng una.

Winelcome ng ina ng Pambansang Kamao ang kanyang fans sa kanyang "forever house" na kung tawagin niya ay "House of Mama."

Ipinakita sa vlog ang mga koleksyon ni Mommy D gaya ng figurine, manika, at tableware.

Ang ilan sa mga antigo niyang gamit ay maingat niyang itinago bilang paalala sa mga sakripisyo niya para sa kanyang mga anak noong mga panahong kapos sila sa buhay.

Aniya, "Ito [pagtukoy sa tableware] ang memorable no'ng mahirap pa ako. Hindi ko talaga ito ni-let go, no'ng mahirap ako ito ang souvenir ko.

"Mahirap ako pero marunong ako maghanapbuhay para may mapakain ako sa mga anak ko, para 'di sila mahirapan."

Kuwento pa niya, "Tingnan mo, kahit wala na silang tatay, malulusog ang mga katawan ng mga anak ko. Ako lang ang hindi nabigyan ng government ng mga rasyon ng mga pang-vitamin sa bata, mga gatas.

"Sabi ko, 'Doc, 'di ako binigyan ng ganyan.' [Sagot niya,] 'Huy, overweight na ang mga anak mo. Tamang-tama ang pag-aalaga mo sa anak mo."

Ipinakita rin ni Mommy D ang kanyang newly built chapel at maging ang kanyang closet kung saan nakalagay ang kanyang mga koleksyon ng sapatos na ginagamit niyang sa ballroom dancing.

Panoorin ang buong vlog dito:

IN PHOTOS: Jinkee Pacquiao shows new design of their LA mansion