
Talagang astig ang upgraded na pick-up truck na ipinakita ni Kapuso actor Jak Roberto sa bago niyang vlog.
Noong January niya kinunan ang vlog at ibinahagi ito sa kanyang YouTube channel, kahapon, April 5.
Kuwento ni Jak na napalitan at pina-upgrade niya ang ilang piyesa tulad ng gulong at suspension ng kanyang Ford Ranger.
Pinalagyan din niya ito ng espesyal na coating para maprotektahan sa gasgas at putik.
Natutuwa daw si Jak kapag nakakakuha siya ng mga komento tungkol sa kanyang sasakyan.
"Nakaka happy lang na minsan 'pag kino-compliment 'yung sasakyan mo. Kasi ganoon 'yung nafi-feel ko before eh. Alam ko 'yung pakiramdam na ganoon. Nakaka boost ng confidence. Pakiramdam mo, may achievement kang nagawa na kung tutuusin para sa 'yo lang naman," pahayag niya.
Silipin ang kanyang upgraded na pick-up truck dito.
Muling mapapanood si Jak bilang Andoy sa pagbabalik ng hit GMA Telebabad romantic comedy series na Meant To Be.
Kasama niya dito ang kanyang real-life sweetheart na si Barbie Forteza.
Tunghayan ito Lunes hanggang Biyernes, 9:30 pm sa GMA Telebabad.