GMA Logo Glaiza de Castro nag crash course sa buhay may pamilya
Celebrity Life

Glaiza de Castro, nag-crash course sa domestic life

By Maine Aquino
Published April 16, 2020 1:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza de Castro nag crash course sa buhay may pamilya


Matapos mag-aral kung paano maglaba at magtanim, ano kaya ang susunod na gagawin ni Glaiza de Castro habang naka ECQ?

Habang umiiral ang enhanced community quarantine, busy sa gawaing-bahay si Glaiza de Castro katulad ng paglalaba, na ibinahagi niya sa kanyang Instagram stories.

Isang netizen na may handle na @jolinaantigue14 ang nag-repost nito sa kanyang Twitter account sabay tanong nang: "G, handa ka na ba? Handa ka na ba magkapamilya? @glaizaredux"

Sumagot naman ang aktres at sinabing nagkaroon siya ng crash course dahil sa enhanced community quarantine.

"Itong quarantine na ito, para akong nag crash course sa pagkakaroon ng pamilya"


Komento naman ng isa pang netizen na si @arthdeth1, susubukan niya ring maglaba tulad ng ginawa ni Glaiza.

"Kuskus piga. Makapag laba sa likod bahay taz naka shade din. Bukas agad."

Muli nag-reply si Glaiza na sinubukan niya lamang umano ito at nag-enjoy siya.

"Sinubukan ko lang kung mas mae-enjoy ko ba 'yung pagkuskos kung naka shades. Nag work naman"


Bukod sa kanyang paglalaba, nagsimula na ring magtanim ang Kapuso star.

Learning how to plant with the master

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux) on


Susunod umanong susubukan ni Glaiza pagkatapos ng kanyang mga gawaing-bahay ay ang Pillow Challenge na trending ngayon sa social media.


Glaiza De Castro calls for donations for surfing community in Baler

LOOK: Stars take on the sexy "Pillow Challenge"