
Para kay Neri Miranda, ang quarantine period ang panahon para maka-discover ng new skill.
Kuwento ni Neri sa kanyang Instagram post, kasalukuyan pa rin silang nasa EECQ o Extreme Enhanced Community Quarantine sa kanilang lugar.
Dahil rito, gumawa na lamang umano sila ng pandesal.
Aniya, "Since EECQ pa rin sa amin, di pa makalabas, wala na kaming tinapay. Kaya gumawa kami ng pandesal, hehe!"
Nagpasalamat din si Neri sa kanyang mga kasama sa bahay na tumulong sa kanyang paggawa ng pandesal.
"Salamat sa mga helpers ko at tinulungan akong mag-knead ng dough na ginawa namin from scratch."
Ito umano ay isa sa mga bonding time nila ngayon ng kanilang pamilya. Payo pa ni Neri ay marami pang puwedeng ma-discover at gawin ngayong quarantine period.
"Maraming pwedeng gawin sa bahay na sama sama kayong gumagawa. Makakadiscover pa kayo ng new talents, maiimprove na skills. Masisimulan o matatapos ang mga bagay bagay na matagal mo nang gustong matapos kaso wala kang time. Ngayon ang tamang panahon para magawa lahat yan."
Neri Miranda uses talent fee to buy PPEs for frontliners
Chito Miranda makes a salad with fresh vegetables picked from Neri Naig's garden