
Aminado si Kapuso actress Mikee Quintos na tulad ng nakararami, nakakaramdan siya ng stress ngayong quarantine.
Isa raw ang pagkain sa mga paraan kung paano niya mina-manage ang kanyang stress.
"I eat. Hindi ko na kailangan i-explain 'yung 'I eat' 'di ba? Kasi feeling ko lahat naman nagse-stress eating," natatawang pahayag ni Mikee sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
"Depende sa mood ko, kung ano siguro 'yung pinaka nami-miss ko. 'Di naman mawawala 'yung love ko for coffee and coffee-flavored things," dagdag pa niya tungkol sa mga nahiligan niyang kainin ngayong quarantine.
Marami ring creative pursuits si Mikee para maibsan ang kanyang stress.
"I sing and play music. I jam to my favorite songs," bahagi niya.
Kamakailan, nag-post si Mikee ng kanyang maikling video sa kanyang Instagram kung saan mapapanood siyang tumutugtog ng gitara at inaawit ang kantang "Lost Stars" ni Maroon 5 frontman na si Adam Levine.
Bukod dito, mahilig din siyan gumuhit. Matatandaang isang architecture student si Mikee ngayon sa University of Sto. Tomas.
"I paint or I draw. I love painting and sketching," simple niyang pahayag.
Alamin ang iba pang stress relievers ni Mikee sa video na ito:
Marami pa ring ipinagpapasalamat si Mikee sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Isa na rito ang oras na naibigay sa kanya para mag-reflect sa ilang bagay sa kanyang buhay.
Sa pagtatapos naman ng quarantine, nais ni Mikee na makapag-travel, lalo na sa bansang South Korea.