
Ipinakilala ni Jennylyn Mercado ang kanyang labing-isang feline babies sa kanyang vlog na ini-release noong June 18.
Hindi mga ordinaryong pusa ang alaga ng aktres dahil iba-iba ang breed nila. Tulad ng Scottish Fold na sina Clay at Gray, Scottish Straight na sina Amy, Nate, at Bruce, Siberian na si Sage, British Shorthair na si Bisping, Highland Fold na si Dana, Oriental Shorthair na si Yair, Korean Bobtail na si Jones, at Ragdoll na si Dustin.
Ayon kay Jennylyn, hindi madaling mag-alaga ng pusa. Gayunpaman, aniya, ibang saya ang dulot nila.
"Hindi biro mag-maintain ng ganito karaming alagang pusa, matrabaho at magastos, pero worth it. Ibang saya naman ang ibinibigay ng bawat isa sa kanila."
Nakaka-good vibes nga naman ang cuteness ng mga pusa kaya naman naisipan ni Jennylyn at kanyang boyfriend na si Dennis Trillo na magtayo ng isang cat cafe na pinangalanan nilang Litterbucks.
Kilalanin ang 11 cats ni Jennylyn dito: