
Lumabas ang pagiging fan ng award-winning comedian at content creator na si Michael V. nang pag-usapan niya sa Bitoy Story 26 si Iron Man, isa sa pinaka-popular na superhero characters na ginampanan ni Robert Downey, Jr. sa pelikula.
Sa simula ng vlog ni Direk Bitoy, umamin siyang hindi siya fan ni Tony Stark.
Paliwanag niya, “Originally, hindi ako fan ni Iron Man. Hindi ko kino-collect 'yung comic book niya kaya konting-konti lang alam ko sa history niya.
“Naging fan lang ako nung nag-simula 'yung Marvel Cinematic Universe at bago pa lumabas 'yung Iron Man na movie na parang alam ko na maghi-hit.”
Nakitaan niya ng potensyal na maging big hit ang first Iron Man movie, dahil perfect choice para sa kanya si Robert Downey. Jr.
Aniya, “Nung in-announce kasi na si Robert Downey, Jr. ang gaganap na Tony Stark, naisip ko parang uy, swak!
“As far as I know at that time, si Tony Stark ay isang billionaire na genius, na playboy at ang pinakamalaking personal na problema niya sa storyline ng comic book is that he is an alcoholic.
“E ilang beses na naibalita 'yung ganyang isyu ni Robert Downey noon, so parang bagay talaga.”
Dagdag din ni Michael V. na maganda rin and ginawang adjustment sa character flaw ni Tony Stark sa movie.
“Kumbaga, kung ikaw si RDJ, parang ang dami mong paghuhugutan. At saka bukod doon, magaling talaga siyang artista.
"But it turns out, hindi 'yung pagiging lasenggo ang ginawang character flaw niya sa movie.
“Ginawa nilang mas napapanahon at mas makabuluhan.”
Sa curious naman sa review ni Michael V. sa Iron Man VR (virtual reality) sa Playstation, panoorin ang latest vlog niya below.
LOOK: Michael V ecstatic about GMA's much-awaited 'Voltes V Legacy' live adaptation