
Marami ang nahihilig ngayon sa pag-aalaga ng plants at kabilang na rito ang ilang celebrities na mga certified plantitos and plantitas na rin.
Kabilang sa mga ito sina Descendants of the Sun stars Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith na nagbigay pa ng tips kung paano maaalagaan ang mga alagang halaman.
Ayon kay Rocco, therapeutic daw pala ang mag-alaga ng halaman. Hindi lang siya ang nahihilig dito dahil pati ang girlfriend niyang si Melissa Gohing ay certified plant mom na rin.
Celebrities bring out the 'plantitos' and 'plantitas' in them
Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Jasmine na itinuturing niyang mga kaibigan ang mga alaga niyang plants.
“Every morning, kinakantahan ko 'yan at saka kinakausap. Tip 'yun sa 'kin ng Mama ko, e. [Sabi niya,] kausapin mo sila, friends mo 'yang mga halaman mo,” aniya.
Samantala, dahil nga nauuso ang pag-aalaga ng halaman ngayon, pinayuhan ni plant enthusiast Kevin Asuncion ang mga bagong plant owners tungkol sa wastong pag-aalaga ng halaman, lalo na ng mga indoor plants.
IN PHOTOS: 10 convenient indoor plants for beginners
“A lot of the problems I see that come from indoor planting is that there's actually no light in the house. There might be windows but the light doesn't come through.
“Another problem that I see is that when these new enthusiasts come in, they look at their plants and they water their plants like there's no tomorrow. So they accidentally drown their plants,” sabi ni Kevin.
5 indoor plants that will keep your home naturally cool
LOOK: How to protect your plants without using pesticides
Panoorin ang buong 24 Oras report: