GMA Logo sofia pablo and allen ansay
Celebrity Life

Sofia Pablo, binigyan ng Macbook Air si Allen Ansay?

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 18, 2020 1:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala cheered on by Gauff, Mboko after SEA Games run
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

sofia pablo and allen ansay


Maniwala kaya si Allen Ansay na bibigyan siya ni Sofia Pablo ng Macbook Air na nagkakahalagang PhP50,000?

Na-prank na naman ni Sofia Pablo ang kanyang 'Team Jolly' partner na si Allen Ansay dahil naniwala si Allen na bibigyan siya nito ng Macbook Air.

Allen Ansay and Sofia Pablo

Patok pa rin ang prank wars nina Allen Ansay at Sofia Pablo sa kanilang YouTube account dahil malapit na sila magkaroon ng 200,000 followers. / Source: itsmeallenansay (IG)

Sa latest vlog ng AlFia Official, ipinaliwanag ni Sofia na nahihirapan kasi si Allen sa Zoom meetings at workshops kaya bibigyan niya ito ng laptop.

“Ipa-prank ko siya guys na bibigyan ko siya ng Macbook Air.

"Ngayon kasi guys, marami kasi siyang upcoming na workshops, so sa tingin ko naman maniniwala siya na bibigyan ko siya ng Macbook,” saad ni Sofia.

“Pero feeling ko, hindi rin siya maniniwala.”

Sa loob ng box, may isang bond paper na nilagay si Sofia na may nakasulat na “Issaaa….prank!”

“Ang sasabihin ko kung bakit wala na siya plastic, kasi parang pina-check namin kung saan kami bumili kung gumagana,” dagdag ni Sofia.

“Sana maniwala siya, guys. Tapos, 'pag naniwala siya, jusko, ano kaya reaksyon niya kapag nakita niya nang it's a prank.”

Maniwala kaya si Allen na binigyan siya ng Macbook Air ni Sofia? Panoorin:

Bago matapos ang vlog, bumawi naman si Sofia at sinorpresa niya si Allen ng isang sapatos.

Hindi naman makapaniwala si Allen na totoong binigyan siya ni Sofia ng sapatos.

Saad niya, “Uy, 'wag mo nga akong i-prank. Hindi, prank na naman 'to guys. Kabisado ko na, alam kong prank na naman 'to.”

Sagot naman ni Sofia, “Hindi nga ['to prank], sa 'yo nga 'to, promise.

"Ayaw mo maniwala, sayo nga. Sayo nga talaga.”

“Hindi, sa kanya na talaga 'to guys.”

Sofia Pablo, nakabawi sa prank kay Allen Ansay

Sofia Pablo, umiyak dahil sa prank ni Allen Ansay