GMA Logo katrina halili aiko melendez wendell ramos
Celebrity Life

Katrina Halili, pinaiyak nina Wendell Ramos at Aiko Melendez sa kanyang vlog

By Nherz Almo
Published October 17, 2020 1:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pulis, patay matapos barilin habang nasa lamay sa Iligan
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Marco Masa attends movie premiere with his Kuya Justin

Article Inside Page


Showbiz News

katrina halili aiko melendez wendell ramos


"Bakit parang ako ang nasa hot seat?" ani Katrina Halili matapos siyang pagkaisahan ng Prima Donnas' co-actors niyang sina Aiko Melendez at Wendell Ramos?

Tila naisahan nina Wendell Ramos at Aiko Melendez si Katrina Halili nang mag-setup siya ng challenge para sana sa kanila.

Sa pinakahuling vlog ni Katrina na "Bakit nila ako napaiyak?" isasailalim sana niya sa lie detector challenge ang kanyang Prima Donnas co-actors, pero naging baligtad ang kinalabasan dahil siya ang naging subject ng test.

Ang unang tanong niya kasi sa dalawang kasamahan, "Ano ang first impression n'yo sa akin?"

Nilinaw naman ni Aiko kay Katrina na para gumana ang lie detector, dapat ang tanong "has to be answerable by yes or no."

Sagot ni Katrina, "Yes or no ba? Teka lang, hindi ako ready, sis!"

Dahil dito, siya na lang ang tinanong nina Wendell at Aiko.

Sabi pa ng aktor, "Ganito na lang, kami na lang ang magtatanong sa 'yo. Show mo naman ito, kami na lang magtatanong sa 'yo."

Sa puntong ito, unti-unti nang natetensyon si Katrina, "Bakit ako?!"

Habang nilalagay ni Wendell ang kamay ni Katrina sa lie detector, nagtatakang sigaw ng huli, "Bakit ganun? Help, friend!"

Maya-maya pa, napansin ni Aiko, "Umiiyak na siya!"

Sabay biro pa niya, "OMG! It's a prank!"

Sabi naman ni Wendell, "Naiintindihan kita kung bakit ka naiiyak. Kasi, nape-pressure na kami sa mga tanong namin. E, kami ni Aiko, handang-handa na kami dito pero wala kang naitanong."

Sa huli, sabi ni Katrina, "Kaya ako naiyak, ninenerbiyos na ako!"

Panoorin ang nakatatawang alaskahan ng Prima Donnas actors dito: