
Sa pinakabagong vlog ni Jong Madaliday, napanood ang Kapuso singer na nanghaharana ng mga taong nakikilala niya sa online chat website na Omegle.
Aniya, "Dahil sobrang daming nagre-request na pumunta na ako sa Omegle para mag-prank so ito na guys, gagawin na natin. Sobrang excited na ako.
"First time ko 'to, first time ko gawin, so pasensyahan n'yo na kung may mga mali man na mangyayari, o pangit 'yung huli natin o ano, basta ita-try ko 'yung best ko."
Napasubo ang English-speaking skills ni Jong nang makausap niya ang iba't ibang foreigners sa online chat website. Ngunit nang magsimula na siyang kumanta, tila ang mga kausap niya naman ang napapanganga sa galing ni Jong!
Panoorin ang Omegle harana vlog ni Jong sa video below:
Nitong May 2020, naabot ni Jong ang vlogging milestone na 100K subscribers sa YouTube na ikinatuwa naman ng singer. Natanggap na rin niya ang kaniyang Silver Play Button na parangal ng YouTube sa kanilang online content creators na nakagawa ng ganitong feat.
"Whoo! Maraming salamat po sa supporta! Kung hindi po dahil sa inyo hindi ko matatanggap itong Silver Play Button galing kay @youtube. Happy 100K!
Maliban sa mga song covers, mapapanood rin sa channel ni Jong ang kaniyang prank call videos kung saan sinusubukan niyang biktimahin ang kapwa niya Kapuso stars gaya na lang nina Kate Valdez, Mikee Quintos, at Thea Tolentino.