GMA Logo Jak Roberto and Barbie Forteza
Celebrity Life

Barbie Forteza, nagsilbing photographer ni Jak Roberto sa isang at-home shoot

By Marah Ruiz
Published January 16, 2021 4:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto and Barbie Forteza


Si Barbie Forteza ang kumuha ng mga litrato ni Jak Roberto para sa isang at-home shoot para sa GMA Artist Center Folio.

Si Kapuso actor Jak Roberto naman ang sumabak sa isang at-home photo shoot sa tulong ng kanyang girlfriend at kapwa Kapuso na si Barbie Forteza.

Minsan nang kinunan ni ng litrato si Barbie at ang kanyang kapatid na si Sanya Lopez para sa upcoming GMA Artist Center Folio.

Ngayon, si Jak naman ang sasabak sa harap ng camera.

"So ayan guys, makeup muna ako tapos shoot ko na rin sarili ko. Ha? Ako pa rin pala! Hndi, tutulungan tayo ni Madame. Siya naman ang magshu-shoot sa akin," pahayg ni Jak sa simula ng video.

Nag-set up sila sa bahay ni Barbie ng backdrop gamit ang ilang piraso ng tela.

May mga ilaw din silang inihanda para sa shoot.

Nakasuot ng puting sleeveless top si Jak sa unang set ng kanyang mga litrato.

"Ang ganda, guys. So far, so good," pahayag ni Jak tungkol sa mga kinunang pictures ni Barbie.

Para sa susunod niyang layout, nagsuot si Jak ng isang military print jacket pero iniwan itong nakabukas para makita ang kanyang abs.

"Medyo chunky ah. Hirap mag-flex nang nakaupo," ani Jak.

"Ang sakit! Nagka-cramps na," dagdag pa niya.

Inabot na ng gabi ang kanilang shoot pero full of energy pa rin sina Jak at Barbie.

Para sa huling layout, nagbihis si Jak ng black polo at pinatungan ito ng brown leather jacket.

"Buksan mo pa nga 'to," ani Barbie habang binubuksan ang isa pang butones ng polo ni Jak.

Hindi naman napigilan ni Jak na tuksuhin ang nobya.

"Gusto mo sexy ah. Masyadong mahalay naman. Baka iba maging market ko nito," biro niya.

"Mami ito lang oh. Kanina nga hanggang dito 'yung kita," sagot naman ni Barbie, habang tinutukoy ang abs ni Jak.

"Hinahaplos pa," pagpapatuloy ni Jak sa panunukso.

Panoorin ang buong vlog ni Jak tungkol sa at-home photo shoot session nila ni Barbie dito:

Samantala, silipin ang sweetest moments nina Jak at Barbie sa gallery na ito: