GMA Logo pera paraan
What's on TV

Lovely Abella at Benj Manalo, paano naging patok ang online business?

By Bianca Geli
Published February 2, 2021 6:21 PM PHT
Updated August 13, 2021 2:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

pera paraan


Paano naging online sellers ang mga mag-asawang sina Lovely Abella at Benj Manalo? Alamin sa 'Pera Paraan.'

Maraming mga magkarelasyon ang naging magkanegosyo na rin.

Kagaya na lamang ng newlyweds na sina Lovely Abella at Benj Manalo; at Chef Gino Gonzales at China Cojuangco-Gonzales, na ang pagmamahalan, for better or for worse, in business and in wealth.

Maraming pinagkakaabalahan ang Kapuso actress na si Lovely Abella, katulad na lang ng kaniyang online fitness classes at pag-o-online selling.

Paano nga ba siya nagsimula sa negosyo?

Kuwento ni Lovely kay Susan Enriquez sa Pera Paraan, "Nagsimula 'yun nitong pandemic po talaga.

"Sa hindi sinasadyang pangyayari, may lagayan ako ng bags na sa sobrang bigat na, natumba. So pinautos ko kay Benj na itayo niya."

Nagkaroon naman ng ideya si Benj dahil dito, "Sabi ko sa kanya, 'ibenta mo na nga 'yan, hindi mo naman ginagamit.'

Saad ni Lovely, "Ngayon po, sinubukan kong mag-online selling."

Ayaw man sana nilang dalawa ipaalam ang kanilang kinikita sa online selling, pero umaabot sila sa halos kalahating milyon kada-buwan.

Pati ang pa-giveaway nilang organic liptint, naging source of income niya na rin.

"Ito dapat, ma'am, regalo ko lang dapat sa mga bumibili sa amin, parang giveaways. Hanggang sa ang daming gustong mag-distributor."

Kuwento ni Benj, "Lahat ng products namin pinapa-formulate namin based sa kung ano 'yung gusto namin talaga.

Dagdag ni Lovely, "Nagkaroon kami ng business plan kung saan nag-aaral akong gumawa ng lotion, medyo may alam din ako, ma'am, gina-gramo namin 'yun ang binibenta rin online."

Pagdating naman sa diskarte, importante ang resellers at distributors ayon kay Benj.

"Meron na po kaming actual distributors, resellers, and wholesale resellers.

"Parang trinato na po namin sila sa franchisee nung brand namin. So, imbis na maglabas kami sa malls o sa stores, [online na lang] kasi ang market ngayon, everything is online now."

Parehas ding pursigido sa negosyo ang dalawa.

Kuwento ni Lovely, "Kailangan ng sipag, hindi natin ito mabebenta kung hindi natin sisipagan at kung hindi tayo magtitiwala sa products natin."

Tingnan ang garden-themed wedding nitong pandemic nina Lovely Abella at Benj Mariano:

Samantala, hindi malayo sa propesyon ng chef couple na sina China Cojuangco-Gonzales at Gino Gonzales ang napili nilang negosyo, ang China X Chef Gino's Kitchen.

Ngayon ay naisipan na rin nila magtinda online ng frozen at ready-to-eat products.

Kuwento ni Gino, "It's a collaboration, it's a home business na inumpisahan namin. Tapos nagkaroon ng pandemic."

Saad ni China, "Parang it forced us to do something."

Parehong nasa restaurant business ang mag-asawa kaya noong nagkaroon ng pandemic ay naisipan na lamang nila munang magtayo ng online business.

Dahil kumpleto na sila sa mga kagamitan, nasa PhP10,000 na lang ang kanilang naging puhunan. Pagdating sa diskarte, advertising is key.

Kuwento ni China, "Kanya-kanyang post sa personal Instagram accounts namin.

"After a while nag-fa-flood na 'yung mga inquiries. Sabi ko kay Gino parang dapat magkaroon na tayo ng Instagram just for the kitchen."

Kung dati sa mga palabas sa TV lamang ang kanilang ginagampanang papel, ngayon naging mas mabigat daw ang kanilang roles sa negosyo.

Katulad na lamang ng mga normal na relasyon, hindi nawawala ang minsang hindi pagkakasundo, pero ang mahalaga ay maging nandiyan para sa isa't isa, sa hirap at ginhawa.

Panoorin ang kabuuan ng episode na ito ng Pera Paraan dito:

Related content:
Pera Paraan: Persons with disability, paano kumikita ngayong pandemic?