
Isa si Eat Bulaga! dabarkad Paolo Ballesteros sa mga miyembro ng popular Facebook Group na Home Buddies kung saan ipinapakita ng members, also known as “kapitbahays,” ang kani-kanilang home makeover simula nung inanunsyo ang enhanced community quarantine noong 2020.
Sa Facebook group ipinakita ni kapitbahay Paolo ang kaniyang patio makeover na talaga namang pang malakasan ang dating.
“Hello mga kapitbahays! Eto naman ang quarantine makeover ng patio namin,” sulat ng Eat Bulaga! co-host.
“Mas inviting na siya ngayon (meaning mas masarap mag-inuman at magpusoy lalo na sa gabi at medyo malamig. Pero goodluck sa swimming kasi pati kaluluwa mo giginawin 'pag nag-swimming ka ng gabi).”
Aniya ang mga “budol finds” niya tulad ng mga string lights, floaters, blanket at throw pillows ay nahanap niya sa Facebook Marketplace kaya swak na swak sa budget ng mga gustong i-decorate ang kanilang mga bahay tulad n'ya.
“Mga budol finds sa FB marketplace, itong string light na anlakas maka-Padi's, floaters, at saka 'tong mga pakumot eme pampictorial kasi ang gaganda at ang gagaling ng mga pics dito sa Home Buddies (Para na rin sa mga malalamig na gabi hehe).
“P.S. 'Yung throw pillows na pa-velvet at pa-sequins, sa sala ko 'yan. Pinampicture ko lang hehe. Buti ipinasok na nila ate kasi umuulan ata kanina.”
Tingnan ang patio makeover ni Paolo Ballesteros:
Source: Paolo Ballesteros in Home Buddies FB Group
Ilan lang si Paolo sa mga personalidad na kabilang sa mahigit 500K members ng FB Group na Home Buddies.
Maliban sa Eat Bulaga host, miyembro rin ang mga celebrities tulad nina Slater Young at Megan Young-Daez, at social media personalities tulad nina Thea Sy-Bautista, Mae Layug, Macoy Dubs at Llyan Oliver Austria.
Kuwento ni Frances Lim Cabtuando, ang creator ng Facebook Group sa Preen.ph, nagsimula ang ideya na ilunsad ang Home Buddies matapos i-extend ang lockdown sa Maynila at wala na siyang magawa kundi i-share ang iba't ibang home improvements n'ya sa bahay.
Dagdag pa niya, “I decided to create a group where we can post our decluttering journey. And from there, I started sharing less filtered home updates compared to what's on my Instagram.
“People just followed my example until the group grew and grew.”
Tingnan ang ilang celebs na nagpapagawa ng bahay ngayong quarantine sa gallery na ito: