GMA Logo pera paraan
What's on TV

Pambahay OOTD seller, paano kumita ng 500,000?

By Bianca Geli
Published May 3, 2021 10:05 AM PHT
Updated August 13, 2021 2:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Firework-related injuries now at 91 —DOH
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

pera paraan


Kumikita ng humigit-kumulang PhP500,000 sa pagbebenta online ng mga pambahay ang isang seller. Paano kaya siya umasenso sa negosyo?

Dahil limitado pa rin ang paglabas ngayon, ang mga damit nating pang-porma, ba't hindi na rin gamitin kahit nasa loob ng bahay?

Tulad ng mga artistang sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Gabbi Garcia, Lovi Poe, at iba pa, uso na rin ang pagsusuot ng pambahay para gawing OOTD.

Dahil sa pandemya, naisipan ni Macy Lualhati na gumawa ng online shop para makabenta ng mga pambahay online.

Sabi ni Macy sa Pera Paraan, "Naisipan ko po gumawa ng online shop."

Sinong mag-aakala na ang kanyang online store ng mga pambahay, kikita ng halos PhP500,000 kada linggo?

Kagaya ng maraming negosyo, ang unang attempt ni Macy ay hindi naging matagumpay.

Pero dahil sa kanyang pagsisikap na makabangon mula sa paghihirap na dinanas simula pagkabata, narating niya rin ang asenso.

"Naranasan ko po na ever since elementary, lagi kaming hindi nakakabayad ng tuition, walang baon sa school," ani Macy.

Naging dean's lister si Macy noong kolehiyo. Sa kanyang pangalawang taon, nabuntis siya sa kanyang unang anak. Kaya naman ng makapagtapos ng pagaaral, nagtrabaho agad si Macy.

Noong 2015 naisipan niyang magtayo ng online shop sa puhunang PhP2,000 habang nagtatrabaho sa isang bangko.

Kalaunan ay bumili ng sariling makina pangtahi si Macy at nag-hire ng mga mananahi. Katagalan ay naglakas loob na siyang mag-resign sa trabaho sa bangko para tutukan ang itinayong business.

Sa isa't kalahating taon, kumita ng PhP100,000 si Macy. Katagalan ay hindi na kinakailangan bumili ni Macy ng mga damit sa tiangge dahil siya na ang mismong nag-po-produce ng mga sariling damit pang benta.

Lalong umasenso si Macy ng maging supplier siya sa isang online shop.

Sa puntong ito, kumikita na siya ng halos PhP50,000 sa isang linggo.

Hanggang sa nagkaroon ng pandemya, at natigil ang pag-supply niya sa online shop.

Akala ni Macy, tuluyan nang mawawala ang pinaghirapan niyang negosyo.

Ang natitirang PhP20,000 ay ginamit na lamang ni Macy bilang puhunan sa panibagong negosyo.

Dito, nakamit niya ulit ang tumataginting na kita.

Ano kaya ang naging paraan ni Macy para mag-boom ang bagong online business niya?

Panoorin sa Pera Paraan:

Samantala, narito ang ilang business ideas na pwedeng simulan sa bahay: